
Hindi nagpakabog si Enchong Dee sa mga artista, atleta at mga modelong rumampa nang naka-underwear lang sa pinag-uusapang ‘Body of Work’ dahil may pasabog na entry rin ang Kapamilya actor.
Shookt ang mga dealer at ibang guests sa isang national convention event dahil may sariling pa-underwear fashion show si Enchong.
Pero dahil may hang-over pa sa bonggang Bench underwear fashion show ang madlang netizens, parang hindi masyadong pinag-usapan ang ganap ni Enchong, ha!
Parang mas nag-trending pa sa socmed ang TikTok video nina Enchong at Maymay Entrata.
Sa video ay makikitang nag-e-emote ang dalawa habang binibidyuhan ang kanilang ginagawa sa dressing room. Alam ni Maymay na naka-underwear lang si Enchong kaya nagulat ang una nang idikit ng huli ang braso nito sa kamay ng singer-actress at ang nakakaloka ay inakala ni Maymay na bukol sa briefs ni Enchong ang nahawakan niya. Kaya naman nataranta ang dating ka-love team ni Edward. Barber.
Kita sa mukha ni Maymay ang matinding pagkagulat at biglang lumayo sa aktor. Tawa naman nang tawa ni Enchong sa kalokohang ginawa.
Kinaaliwan ng netizens ang nasabing reel. Hati ang komento sa socmed. Marami ang nagsabing diring-diri raw si Maymay sa pabukol ng Kapamilya aktor at hindi siya bet ng singer ng ‘Amakabogera’.
Meron din namang mga netizen ang tila nainggit kay Maymay at napa-‘sana all’ na lang dahil dumikit sa kanya ang hubad na katawan ni Enchong.