See More

See More, Learn More!

NEWS

Anak aksidenteng naatrasan ng erpat, todas

NASAWI ang isang taong-gulang na batang babae nang aksidente siyang masagasaan ng kanyang ama habang inaatras nito ang kanyang sasakyan sa Johor Bahru, Malaysia.

Nangyari ang insidente sa Taman Desa Harmoni, Johor Bahru sa Malaysia bandang alas-2:30 nang madaling-araw noong Marso 29.

Sa ulat ng The Star, sinabi ni Seri Alam District Police Chief Mohd Sohaimi Ishak na umaatras ang sasakyan palabas ng bahay nang makarinig ng ingay sa bandang kaliwa niya ang ama ng biktima.
Nang tingnan niya ang pinagmulan ng ingay, nagulat ito nang makita niya ang anak na walang malay at duguang nakahandusay sa semento sa likod ng kanyang sasakyan.

Pumanaw ang bata dahil sa tinamong matinding pinsala sa kanyang ulo.
Iniimbestigahan na ang insidente sa ilalim ng Road Transport Act 1987 dahil sa umano’y ‘causing death by reckless or dangerous driving.’

error

Please Share!