
Bago pa umamin…
Sugar may pinagselosan noon kay Willie
Usap-usapan ngayon ang naging revelation ni Sugar Mercado sa panayam niya kay Ogie Diaz kung saan inamin niyang nagkaroon sila ng relasyon ni Willie Revillame na tumagal ng 7 taon!
Ayon kay Sugar, hindi siya sigurado kung ganoon din ang tingin ni Willie sa kanilang naging samahan.
“Hindi ako sure. Hindi naman siya umamin eh. Ang kapal naman ng mukha ko kung aamin ako, hindi naman siya umamin, ‘di ba? Eh di hindi ako sure. ‘Di ba, mamaya nag-bonding lang kami,” biro pa ng dating SexBomb member.
Sa kabila ng kanyang pagdadalawang-isip, nang tanungin siya kung totoong pitong taon nga silang magkasama, deretsahan niyang sinagot ng “Oo.” Dagdag pa niya, kahit hindi umamin si Willie sa publiko, aminado siyang minahal niya si Willie nang sobra. “Never ako nagsisi sa lahat ng nangyari sa life ko… At aminado rin naman ako na minahal ko talaga ’yung tao. Nang sobra pa.”
Nang tanungin naman kung naramdaman niya ang pagmamahal mula kay Willie, mabilis na sagot ni Sugar: “Oo naman.”
Mukhang marami hindi naman ikinagulat ng mga nakakakilala sa kanila ang tungkol sa pag-amin ni Sugar.
May nakataikahan ang editor naming su Jun Lalin na nagsabing noon pa nila alam na nagkaroon ng relasyon sina Sugar at Willie.
May tsika pang nasagap ang aming editor na may isang tao raw ba pinagseselosan noon kay Willie si Sugar.