See More

See More, Learn More!

NEWS

JV binoldyak MMDA strike force chief: ‘Mag-vlog ka na lang boy!’

Kinastigo ni Senador JV Ejercito ang isang opisyal ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) dahil sa pagpapahiya sa mataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP) nang mahuli sa illegal parking.

Ayon kay Senador Ejercito, walang karapatan si MMDA Special Ope¬rations Group Strike Force head Gabriel Go na ipahiya ang isang police captain at i-vlog pa ang naturang insidente.

“Who gave the license or authority to this Gabriel Go to act this way?” tanong ng senador sa isang post sa Facebook. “San ba nanggaling ito at napakayabang ata??? Overbearing and disrespectful to a police officer at that!!!”

Binanggit ng senador na sapat na ang pag-isyu ng tiket sa police captain dahil sa illegal parking pero hindi na kasama sa violation ang ipahiya ang pulis sa maraming tao. Aniya, dapat ay vlogger na lang ang pinasok na trabaho ni Go.

“Ano ito for the views? Dapat nag Vlogger ka na lang Boi!” giit ni Ejercito.

Nangako naman si MMDA chairman Don Artes na parurusahan si Go kung nakagawa ng pagkakamali at naglabas na rin aniya sila ng show cause order laban dito.

“Mr. Go is a dedicated MMDA enforcer. If he committed a mistake, we will accord him due process and penalize him as justified. Doing our job is challenging and most of the time frustrating, but this is not an excuse to violate our policies or protocols,” saad ni Artes.

Humingi rin siya ng paumanhin sa abalang naidulot ng isyu sa mga constituent at maging kay Captain Erik Felipe ng Quezon City Police.

Umalma na ang National Police Commission (Napolcom) sa ginawang pamamahiya ni Go sa tinekitan na pulis sa pagsasabing “yung offense na ginawa ni Mr. Go sa PNP ay medyo malalim ang tama.”

“He was berating a police officer, a commissioned officer at that, meaning isang may ranggo, police caption ‘yung kanilang pinapagalitan at pinapahiya. ‘Yung offense is made against, not just against Captain Felipe, who is a very good officer, but also against the 225,000 strong members of the Philippine National Police,” ayon kay Napolcom Commissioner Rafael Vicente Calinisan.

error

Please Share!