
Bibilib ka sa pagiging generous ni Kris Aquino, ha!
Kahit nga may sakit si Kris, aba, hindi pa rin niya nakakalimutang mamigay ng gifts sa mga taong malalapit sa kanya.
Ang beauty expert nga na si Jonathan Velasco na kilalang malapit kay Kris ay flinex ang generosity ng tinaguriang Queen of All Media.
Sey ni Jonathan: “You really have a generous heart! Despite needing all the prayers that you can get, you still choose to share your blessings! Love you madam @krisaquino forever.”
Actually, may ibang mga malalapit din kay Kris ang nagkukuwento sa amin kung gaano ka-generous ang nanay nina Josh at Bimby.
May isang beauty expert din sa Amerika ang binigyan din ni Kris ng mamahaling regalo.
Sabi ng isa pa niyang kaibigan: “Magugulat ka na lang kay Kris. May sakit na, pero nakakaalala pa ring magregalo. She’s so generous!”
Iba rin talaga ang isang Kris Aquino. Kaya naman marami talaga ang nagdarasal na gumaling na siya sa kanyang mga sakit.