See More

See More, Learn More!

ENTERTAINMENT

Maloi, Colet bumalik sa pag-aaral

Balik schooling sina BINI Maloi Ricalde at Colet Vergara, ha!

Actually, sa Instagram Story ng Thames International Asia, nahagip sa video sina Maloi at Colet na kasama pa ang ibang mga celebrity na nag-attend ng new student’s orientation spring term 2025 nila.

Isang friend namin na may anak na nag-aaral sa school na iyon na malapit sa Eastwood City ang nagkuwento sa amin tungkol sa celebrities na nag-enroll doon.

Sey ng friend namin: “Sabi ng anak ko, tuwang-tuwa raw ‘yung mga taga-Thames dahil maraming mga celebrity na nag-enroll ngayon.”

Puring-puri rin ng friend namin ang mga artistang nag-enroll doon. Siyempre, flinex ng friend namin sina Maloi at Colet. Kahit daw kasi busy ang dalawang BINI girls sa mga ganap ng kanilang grupo ay malaking bagay pa rin sa mga ito na makapag-aral.

Ang bongga nga nina BINI Maloi at Colet, ha!

I’m sure, marami pang mga celebrity na tutulad sa kanila at magsisipag-enroll din.

‘Yun na!

error

Please Share!