See More

See More, Learn More!

CHISMIS

Mga luxury item ni Vice pinilahan, pinagkaguluhan

Dinumog ng mga fan ang garage sale ni Vice Ganda.

Nitong Huwebes (March 27) nang magsimula ang nasabing garage sale kung saan puwedeng ma-mine ang mga brand new at pre-loved item ni Meme at ng kanyang asawang si Ion Perez.

Bago pa nga mag-10:00am, ang oras ng pagbubukas ng garage, ay ang haba na ng pila ng mga utaw na excited na mabili ang mga bonggang outfit nina Meme at Ion.

Sa sobrang dumog ay ilang oras kang pipila bago ka makapasok sa venue.

Sulit naman ang pagpunta doon dahil ang mura ng mga item na mabibili.

Kahit mura ay hindi mukhang gamit na gamit ang mga item na ibinenta ni Meme.

Pagkatapos ng ‘It’s Showtime’ ay dumalaw si Meme sa garage sale kaya naman tuwang-tuwa ang mga gustong mag-mine ng kanyang items.

Tumagal siya doon ng 30 minutes dahil may event pa siyang kailangang puntahan.

error

Please Share!