See More

See More, Learn More!

NEWS

Pinas uutang ng P3.8B sa World Bank

Mangungutang ang pamahalaan ng $67.34 milyon (P3.87 bilyon) sa World Bank (WB) para sa Philippine Civil Service Modernization Project para mapaganda at maisaayos ang serbis¬yo sa publiko.

Ayon sa WB, tututukan ng proyekto ang digital transformation, human resource ma¬nagement, organizational development, at pagpapaganda ng pagbibigay serbisyo ng pamahalaan at tugunan ang mga pangangaila¬ngan ng mga tao.

“Strong public institutions are fundamental to achieving inclusive growth and development,” sabi ni Zafer Mustafaoglu, World Bank Country Director for the Philippines, Malaysia and Brunei Darussalam.

Paliwanag niya, maayos ang pamamahala ng mga pamahalaan kung merit-based ang civil service o kung kakayanan ng mga tao ang nagiging pamantayan para sa pagpasok sa public service. Sa mundo, pag merit-based ang ci¬vil service, mas nakakakolekta ang pamahalaan at mas nakakapagbigay ng magandang serbis¬yo na nakatutulong para mas madaming nakikinabang sa paglago ng ekonomiya.

Susuportahan ng proyekto ang pagbuo ng isang human resources management information system at payroll system para mas magaling ang kalidad ng mga taong nakapapasok sa government service.

error

Please Share!